Adventures of a normal gi

SISTER PROBLEM

March 30,2015- Monday

Let me express my feelings for today. Nagagalit ako ngayon dahil sa ate ko na wala nang ginawa kundi bigyan kami ng pwerwisyo. Nabasa ko sa cellphone ni papa na gusto ng nanay nung lalaki na magpakasal na sila ate kaso ayaw ni ate habang yung lalaki ay payag naman. Ang nakakainis lang talaga ay bumabalik balik pa rin si ate sa bahay ni lola at dun matulog dahil alam niya na maraming laruan dun na hini naman sa kanya kundi kay Jade. Ayon sa pagmamasid ko nung nagbakasyon kami noon, gusto ni ate na dun sila palagi sa kwarto nila Jade para mapaglaruan niya yung mga toys at dalhin nila sa kanila. Okay balik tayo dun sa unang topic, bakit siya gagawa gawa ng bata kung hindi naman sila magpapakasal? Tiba yun naman ang gusto nila? Bakit sila magtatanan kung hindi naman niya paninindigan iyon? Mahal ba niya yung lalaki o hindi? Ano ba ang naisipan niya at pumatol siya sa lalaking iyon? Kung mahal naman niya yung lalaki dapat lang ay magpakasal na sila..tutal may anak naman sila.. anong gusto ni ate na mangyari? Lumaki ang bata ng walang ama? Gaya ni Papa? At iaasa nalang ulit kanila PAPA AT MAMA? Nga pala sa July ay pupunta sila ditto sa Teresa away naming ni kuya dahil masikip na at magiingay lang.. kaso gusto ni mama. Hay! Eksena ulit ito.. Bwiset! Oo nga pala uuwe na si Lola sa May at magbabakasyon si papa. Kahit 1 week lang si Aunty Hazel ay pupunta sila sa Dumaguate. Ayaw pa naman ni lola kay ate.. ewan ko nalang kung anong gagawin sa kanya ni lola. Sana naman wag rin siya pumunta sa Dumaguate, pinapasama nga ako ni mama para hindi ako mabored. Parang gusto ko nga rin sumama kaso… baka sumama rin si ate..mas ayoko naman iyo kasama lalo na yung anak niya.. GALIT PA RIN AKO SA KANYA. Feeing ko kaya niya “ginawa” si Koby ay para magkabatibati na sila ni Papa. Alam mo yun parang nasa teleserye lang ang peg. Pero hindi e.. wa epek ..at feeling ko akala ni ate na mayaman si Kenneth dahil yung mama niya ay nasa abroad kaya kapag nagkaroon sila ng anak ay.. magiging mayaman siya.. at feeling ko na kapag umuwe ditto sila ate ay magpapasabog siya kanila mama na ditto na sila tumira dahil mga plastic daw ang tao dun.. kung totoong nagsisi kana dapat panindigan mo iyon. GINUSTO MO IYAN E!!! PANAGUTAN MO!! At ayoko na ulit tumira na kasama siya.. ni hindi ba siya nahihiya? Siya ang nangiwan sa amin at sumama sa lalaki niya!!!! At ngayon ang lakas ng loob niya na bumalik? Hindi ba niya alam na sinaktan niya kami lalo na si Papa? Sinira niya ang reputasyon ni Papa.. nakakahiya siya at ano pa kaya sasabihin ng mga tao lalo na yung mag tricycle drivers na may kapatid akong MALANDI.. wala siyang kwenta!!!! Wala siyang kwentang ate wala siyang kwentang anak!!!! At higit sa lahat wala siyang kwentang BABAE! AT alam mo ba nakakahiyang sabihin na ate ko siya dahil dapat siya ngayon ang katulong ni papa para mapag-aral kami pero heto pa rin siya bitbitbit niya ang anak niya at humihingi parin ng pera kay papa.. WALANG HIYA!!!! Matapos ang lahat lahat na ginawa sa kanya ni papa na halos hindi na niya kami ni kuya binibigyan ng pansin ay ito ang igagante niya? MAS GUSTO KO PANG WALANG ATE!!!! Nakakahiyang sabihin tuwing tinatanong ako ng mag tao kung nasaan na siya? At sinasabi na may anak siya.. ang sakit dahil parang ipinapakita nila na walang kwentang ama si papa na nagging ganyan si ate.. BWISET TALAGA!!!!!!