pinoykami

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

Panimula

Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa.

 

Saglit na Kasiglahan

Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas.

 

Suliranin

Problemang haharapin ng tauhan. Ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.