MAGIC BEHIND THE LIPS PART 2

Tandaan, kung like n’yo ang bawat isa eh, sure akong mag - eenjoy kayo!
 
      Kung first time mo, huwag kang matakot kasi ang totoo kinakabahan din ang partner mo. Kaya nga bumibilis ang tibok ng puso. At kung sanay na siya, sure akong siya mismo ang magdadala sa’yo.
 
     Alam n’yo iba-iba ang klase ng paghalik. Ilan sa mga nalalaman ko eh, ituturo ko sa inyo. Nakuha ko ito mula sa mga babaeng nag kukwento saken ng kanilang mga karanasan. Pero aaminin ko, wala pa po akong karanasan sa paghalik at hindi ko po alam kung marunong talaga akong humalik. Sa katunayan, kapag may nagtatanong saken kung nakahalik na ba o nahalikan na ako? ang lagi kong sinasabi ay oo na. alam nyo kung bakit? kasi naniniwala ako na karamihan sa mga babae ay naaakit halikan yung mga lalakeng wala pang karanasan. Ayaw ko pa pong mahalikan ng kahit na sino. oo, totoo po ang sinasabi ko, ayaw ko pa dahil may hinahanap ako sa isang babae at kapag nakita ko yun, ako mismo ang hahalik sa kanya ng pinaka masarap na halik na pwede nyang maramdaman.
     
Handa na ba kayo?
 
      The French Kiss - Sikat na sikat ang french kiss lalo na sa mga movies. Talagang mapapanganga ka sa sobrang excitement. Kilala rin ito sa tawag na tongue kiss. Ibig sabihin, dila sa dila. Kadalasan itong ginagawa ng mga partners lalo na kung hot na hot na sila. Iba kasi ang dating kapag dila na ang pinag-uusapan. Sa madaling salita, naglevel-up na kayo. Tandaan, nasa inyo naman iyon. Huwag pilitin ang ayaw. Lips to lips eh, sapat na kung nagmamahalan kayo.
 
    The Single-Lip Kiss - Isa ito sa mga romantic kiss na kadalasang ginagawa ng mag-partners.  Paano? Simple lang, hulihin mo ang upper lips saka bahagyang kagatin o simply suck it! Siguraduhin mo lang na tama ang ginagawa mo para maging romantic siya.
 
      The Earlobe Kiss - Kung nais mong magpahinga sa lips eh, pumunta ka sa tenga o sa earlobe ng partner mo. Nandoon din kasi ang sensation o ang kiliti para mas maging mainit ang paghahalikan ninyo. Konting lapat ng dila saka konting pagkagat ay nagdudulot ng kakaibang kiliti sa partner mo. Huwag sipsipin ang butas ng tenga kung ayaw mong ma-shock!
     Lip Gloss Kiss - Usung uso ito sa mga pelikula kung saan si Girlalu hahalikan si Gwapito at maiiwan ang kiss mark sa white shirt o cheek nito. Sa mga girlalu, kung gusto n’yong ma surprise si BF eh, maglagay kayo ng sweet or fruity flavor para mas enjoy ang romantic events ninyo.
 
     The Eskimo Kiss - Nagagawa ito sa mga movies, kung saan ‘di naman totally naghalikan ang dalawang bida. Nagbungguan lang ang kanilang mga ilong. Nakapikit habang habol ang paghinga. Sa Eskimo Kiss, ang nose ng mag partner ay naglalapat – back and forth againts each other. Naks! Kahit ‘di naglapat ang mga labi eh, okay na – para kang nasa ulap. Lalo na kung si crush ang gagawa nito sa’yo. Kadalasan nagaganap ito sa accidental na bungguan – ung ‘di mo alam kung hahalikan ka o hindi. Ang alam mo lang napapikit ka at naramdaman mo ang nose niya na sumasagi sa nose mo. Grabe! Para kang nasa langit!
 
      Cheek Kiss - Normal kiss na ito sa karamihan. Kahit sa friends mo pwede mong gawin. Lalo na sa saying goodbye sa BF or GF mo. Teka! Mahaba na pala ang nasasabi ko. Sana nag-enjoy kayo sa pinag-usapan natin ngayon. Tandaan! Normal lang ang kissing, ginagawa mo iyon sa taong mahal mo.
     
      Marami na tayong napag-usapan. Umaasa ako na nakatulong ako sa bigat na nararamdaman n’yo, napangiti ko kayo, at higit sa lahat may natutunan kayo sa mga naibahagi ko. Kung In love ka dapat maglagay ka ng limitations. Mahalin mo muna ang sarili mo para nakahanda ka nang magmahal ng iba. At kung broken hearted ka, huwag mong sirain ang buhay mo. Tandaan! May dahilan ang lahat kung bakit ka nasaktan. Tinuturuan ka lang na maging matatag sa susunod na relationship na papasukin mo.