What is HUGOT?

What is HUGOT?

Sabi ng iba kapag humuhugot ka dapat ay may pinaghuhugutan ka for short dapat naranasan mo ng mainlove o masaktan.Pero sa panahon natin ngayon dahil puro hugotero't hugotera na tayo kahit hindi pa natin nararanasang mainlove at masaktan nakikihugot tayo dahil sa ito'y uso.

Minsan ang mga taong nasaktan ng kanilang mahal sa buhay o ang kanilang jowa ay idinadaan nila sa paghugot ang kanilang saloobin upang mabawasan ang sakit na nadarama at para na rin makalimutan ang taong nanakit sa kaniya.

At ang mga taong nakikiuso sa mga hugot naman ay humuhugot para mapansin at magmukhang kawawa pero parang napifeel nila ang mga hugot na kanilang sinasabi o pinopost sa social media pero ano nga ba talaga ang hugot at bakit madaming may gusto nito?

What is HUGOT?

Ang hugot ay pagkuha ng isang bagay na nasa pinakailalim na parte ng isang lugar or for short kinukuha ito sa pinakailalim ng ating nararamdaman at ating mailabas upang mawala ang sakit na ating nararamdaman at para maidama din ng iba ang ating nadarama.

 

Bakit madaming may gusto nito?

Naging tampok ito sa lahat ng tao dahil tungkol ito sa love at ang kasalukuyang panahon ay puro love ang nasa isip kaya ito ay lagi nilang sinasabi o pinopost sa social media upang patamaan ang iba sa love at para may mapag aralan din tayo sa kung ano ba talaga ang mararamdaman at mararanasan kapag nagmahal.